Guro sa
Cuyo |
|
ganito kami
nuon (tungkol sa aming area)
buhay
guro (isang araw ng guro sa cuyo)
Ang mga Guro
Siyam kaming maestro/maestra sa GAMNHS. Nagtuturo ako ng Physics sa 4th year, Math sa 3rd year at Earth Science sa mga bulilit na 1st year. Overload pa rin ang ilang guro duon bagamat nabawasan na sila ng tinuturo dahil sa amin, mga volunteer teachers. Patunay lamang na malaki ang pagkukulang sa mga guro sa maraming paaralan. Malaki ang pinagkaiba ng mga estudyante sa Cuyo sa mga estudyante sa ibang siyudad. Madalas nahihiyang mag-salita ng Filipino. May matatalino, meron din namang di marunong gumamit ng ruler. Nagbigay ako ng Bonus question sa first year. Ang alituntunin: "Magsulat ng nakakatawang joke." Heto ang sagot ng isang estudyante: "Dear Sir, sorry po pero di ko alam kung ano ang ibig sabihin ng joke pero susubukan ko po. Ang joke ay isang scientific invention na ginagamitan ng observation." Bukod sa pagtuturo ng aking lesson, dadagdagan ko na rin ng konting English lessons.
|
|