Cuyo 

Ang Cuyo (sa paglalarawan ni dex)
mapa (paglalarawan mula sa buwan)
links (iba pang patutunguhan)
Ang Pulo ng Cuyo
ni Dexter N. Pante (bow)

      Anong klaseng pamumuhay ang nasa Cuyo?  Ito lamang ang isa sa mga pag-aalinlanagan ko bago pumanhik sa barkong magdadadala sa pagtuturuan ko.   Paano ba naman kasi, noong tingnan ko sa mapa kung nasaan ang lugar na  ito, eh mga tuldok lang ang nakita ko!  
1997 
Demographics
Official Name Cuyo Island, Palawan
Municipalities Agutaya, Cuyo, and Magsaysay
Major Dialect Cuyono
Population (1998)  16, 694 
Density: (1998)  360.63 persons/sq. km 
Urban-Rural Distribution urban 5,186;   
rural 10,108 
Female-Male Female 49.85%;   
Male 49.73% 
Growth Rate 0.36% annually (against provincial rate of 3.58%)
Population Projection for 2000 (est. made in 1990)  16, 598
Malnourishment Rate (1991) Of 1,579 pre-schoolers,   
70% underweight;   
30% normal
Information c/o CD Field Work Students ***Salamat Bismark,  Juvy et al
Iniisip ko noon na kasing laki lamang ng  mga pulo na makikita sa postcards ng sa Hundred Islands.  Hindi naman pala ganun kaliit, mas malaki nga lang ng kaunti.  Kaunti lang naman. 

      Pagkatapos ng mga ilang araw ng pamamalagi sa isla, ang mga balisa ko lahat ay nawala.  Laking tuwa nang makita ko ang mga pamilyar na kagandahan ng kalikasan katulad ng sa probinsiya namin.  Higit pa ngang biniyayaan ang mga taga rito, bukod pa sa pagkakaroon ng liblib na lugar ng binabantayan ng mga naglalakihan at di mabilang na mga niyog, kasoy, kawayan, duhat at pagkadami-dami pang iba, may malawak pa itong karagatan na talaga namang mahirap pantayan.     

      Sikat ito ang pulong ito sa lato.  Sikat ito sa tuba.  Sa pagkakaroon maraming isda.  Sa mga kasoy brittle at kasoy wine.  At higit sa lahat, sikat ito sa pagkakaroon ng di maparisan ng kagandahan at kabutihan loob ng mga anak niya.  May maidadagdag pa ba ako?  Wala na.  Iiwanan ko ang natitirang pahina para maranasan ninyo ang Pulo ng Cuyo.  
nakaraang pahinasunod na pahina
Ang Cuyo | mapa | links 
 


ploning @ edwinsoriano.com
  • Daungan
  • Gurong Pahinungod
  • Cuyo
  • Guro sa Cuyo
  • Nagtatanong...
  • Journal
  • Litrato
  • Message Bottle
  • Mag-sulat
  • Mag-basa


  • Inumpisahan: ika-1 ng hunyo, 1998. 
    Huling inayos: ika-24 ng nobyembre, 1999
    Dagdag links (ika-27 ng Hulyo 2007): Technobiography, Edong's Photos, eOFW, MobileTulay, Biyahe!, Edong's Key
     
    Gawa ni: Edwin "Edong" S. Soriano 
    http://come.to/edong
     
     Daungan | Gurong Pahinungod | Cuyo | Guro sa Cuyo |Nagtatanong... | Journal | Litrato | Mag-sulat | Mag-basa
     
      1